
Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang sports journalist at content creator kaugnay ng kasong online libel sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City noong April 11.
Kinilala ang akusado na si Edmund Badua o mas kilala bilang “Snow Badua,” na isa ring sports analyst sa basketball.
Ayon kay CIDG-Detection and Special Operations Unit Chief PLt. Col. Gene Licud, naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa reklamong isinampa noong 2016 ni PBA Commissioner Willie Marcial.
Gayunman, ayon kay Badua, naisettle na umano ang usapin sa pagitan nila ng PBA commissioner, ngunit nagpatuloy ang kaso sa korte kaya kinailangang ipatupad ang warrant of arrest.
Kaugnay nito, nakapagpyansa na si Badua at nabigyan na rin ng release order.










