Manila, Philippines – Dahil sa kahirapan, kaya patuloy na tumataas ang bilang ng insidente ng “spousal violence” o mga babaeng sinasaktan ng kanilang asawa o ka-live in partner. Base sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2017 – lumalabas na isa sa bawat limang babae ay biktima ng pang-aabuso. Sa interview ng RMN kay National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza, mas mataas ang insidente ng karahasan sa mga mahihirap na rehiyon tulad ng Caraga, SOCCSKSARGEN, at Eastern Visayas. Paliwanag ng NAPC, hirap kasing umalis sa mapang-abusong relasyon ang mga babaeng umaasa sa kanilang mga asawa. Payo ng komisyon, maaring lumapit ang mga babaeng naabuso sa mga help desk ng barangay o mga women’s right organization para magsampa ng kaso laban sa mga kinakasamang nang-aabuso.
SPOUSAL VIOLENCE | Kahirapan, isa sa dahilan ng patuloy na pagtaas ng insidente ng karahasan sa mga babae sa bansa
Facebook Comments