Sputnik V, gagamitin pa rin sa Pilipinas kahit na ipinatigil pansamantala ng Brazil ang importasyon nito

Tuloy lamang ang paggamit ng bansa sa darating na suplay ng Sputnik V ng Russia.

Ito ang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa gitna ng lumabas na report na ipinatigil muna ng Brazil ang importasyon nito dahil sa ilang technical issues at usapin ng bisa nito.

Gayunpaman, sinabi ni Galvez na ang kailangan dito ay official report at hindi galing lamang sa mga balita.


Maliban dito, wala pa rin aniyang official reports hinggil dito ang 20 mga bansa sa mundo na kasalukuyang gumagamit na ng Sputnik V sa kanilang vaccination programs.

Batay sa evaluation ng Food and Drug Administration (FDA), nasa 91% ang bisa ng Sputnik V.

Inaasahang darating sa bansa ang unang 15,000 trial order ng Sputnik V bukas, Mayo a Primero.

Facebook Comments