NCRPO, maglulunsad ng virtual job fair sa “Labor Day”

32

Inanunsyo ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsasagawa sila ng bukas, araw ng manggagawa, ng isang online job fair.

Ayon kay NCRPO Chief P/MAj. Gen Vicente Danao Jr., ito ay alinsunod nag kanilang Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster Initiative.


Layunin nito aniya na mabigyan ng pagkakataon na makapaghanap ng naaangkop na trabaho sa kasalukuyang panahonang ang ilang residente ng National Capital Region (NCR) na nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Layunin din anya nito na mapabuti ang serbisyo ng gobyerno para sa mga mamamayan, bilang pagsisikap ng pamahalaan na itaguyod na mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.

Umaasa naman ang pamunuan ng NCRPO na makakapagbigay sila ng trabaho sa publiko at makakuha ng manggagawa ang mga ahensiya ng gobyerno na tumugon at sumuporta sa nasabing proyekto ng NCRPO.

Binibigyan din niya ang pagkakataon na ito sa mga kabataan na magkaroon ng pagkakakitaan sa halip na gumawa ng mga bagay na walang katuturan.



Facebook Comments