Makikipagtulungan na ang Sugar Regulatory Administration sa Philippine Sugar Research Institute o PHILSURIN para mapalakas ang produksyon ng mga sugarcane farmers.
Sa isang kalatas pambalitaan, target ng SRA na makapagpatupad ng mga proyekto na tutugon sa problema ng mababang ani sa tubuhan sa bansa.
Nagkasundo sina SRA Administrator Hermenegildo Serafica at dating SRA Administrator Maria Regina Bautista-Martin na maisulong ang epektibong pamamaraan sa sugarcane farming sa bawat rehiyon.
Plano nila na makapaglunsad ng mga roadshows para ipakita ang mga training modules ng Outreach Program for the Sugar Industry and Technical Education and Skills Development Authority.
Magsasagawa rin ang regulatory body capacity building program na pangungunahan ng SIMAG Foundation and Planters Associations.
Bibili ang SRA ng makabagong laboratory equipment upang i- upgrade ang PhilSurin Research Laboratory para sa pag-develop ng mga breeding projects at sa pagkakaloob ng extension services sa mga sugar farmers.