Cauayan City, Isabela – Sa kabila ng pagkakroon ng dalawang panibagong COVID patients sa Isabela, at tumaas na kunsumo sa kuryente, ay maganda balita naman sa mga residential member consumer sa lungsod ng Cauayan ang pagka apruba sa resolusyon na gawing stagered ang pagbabayad.
Ito ang kinumpirma ni Sanguniang Panglungsod member Edgar Atienza matapos maaprubahan ang kanyang resolusyon 2020-051 na humihikayat sa pamunuan ng ISELCO 1 na unti untiin ang pagbabayad.
Sa panayam kay SP member Atienza, ang billing mula noong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), ay babayaran ng member consumers sa loob ng anim na buwan. Nangangahulugan na hindi pipilitin ang mga miyembro na magpabayad ng minsanan.
Matatandaan na inulan ng reklamo ang ISELCO 1 nitong mga nakaraang araw dahil sa halos na dobleng kunsumo ng mga member consumers.