Cauayan City, Isabela- Sa kabila ng panganib na dala ng pandemyang COVID-19, patuloy naman ang paalala ng mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa mamamayan kung paano makaiwas sa sakit na ito.
Sa ibinahaging impormasyon ni SSgt Jake Lopez ng 502nd Infantry Brigade, binaybay ng tropa ng 5th Civil-Military Operations Battalion, 5th Infantry Division na pinamumunuan ni LTC Camillo A Saddam ang daan mula bayan ng Naguillian hanggang sa Lungsod ng Ilagan upang muling paalalahanan ang publiko tungkol sa pandemyang COVID-19.
Sakay ang KM 450 military track, nagsasagawa ang kasundaluhan ng information dissemination kaugnay sa mga protocols kung paano makaiwas sa sakit na COVID-19.
Samantala, patuloy din ang pagtulong sa mga residente ng iba pang yunit ng 5 th Infantry Division sa kani-kanilang nasasakupan habang ang iba ay patuloy na nagbibigay seguridad sa kawani ng DSWD sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP), at pagtulong sa pag-repak at pamamahagi ng food packs sa mamamayan.