*Cauayan City, Isabela*- Inilagay na sa State of Calamity ang Lalawigan ng Quirino para paghandaan ang posibleng banta ng Coronavirus disease (COVID-19) at maiwasan ang pagdami ng kaso ng African Swine Fever.
Ito ay batay sa nakasaad sa resolution no. 28 na pirmado ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Batay sa naging datos ng health authorities, nakapagtala ang Probinsya ng Quirino ng 5 Patient under Investigation habang 1 ang nakalabas na ng hospital.
Habang dalawa (2) ang naka-home quarantine kaya’t umabot ng walo (8) ang kabuuan ng PUI sa probinsya.
Nananatili naman ang bilang ng mga Patient under monitoring sa mahigit 400 katao habang ang mga ito ay nakasailalim sa home quarantine.
Samantala, nakapagtala din ang probinsya ng isang kaso ng African Swine Fever kaya’t apektado rin ang bentahan ng karne ng baboy sa ilang lugar sa lalawigan.
Kaugnay nito,covid-19 free pa rin ang buong lambak ng Cagayan.