State of Emergency sa 4 na lugar sa Japan, pinalawig

Pinalawig pa ng Japan ang kanilang state of emergency sa Tokyo at Osaka region hanggang sa katapusan ng buwan kaugnay pa rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nagbabala rin ang kanilang Ministry of Health, Labor and Welfare panel na posibleng tumaas pa ang kaso sa mga darating na araw bunsod ng mga lubhang nakakahawang COVID-19 variants.

Sa kabila ng nasabing anunsyo, magluluwag ang Japan ng ilang panuntunan sa department stores at sinehan nila upang makabawi ang kanilang ekonomiya.


Samantala, nag-anunsyo naman ang France na nagpatupad ng 10-day mandatory quarantine sa mga manggaling sa mga bansang Turkey, Bangladesh, Sri Lanka, Pakistan, Nepal, UAE at Qatar.

Ito pa rin ay pag-iingat kaungay sa lumalalang sitwasyon sa India.

Facebook Comments