Street foods tulad ng isaw at kwek- kwek, ligtas sa Avian flu ayon sa DOH

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health na ligtas sa Avian Flu ang isaw, kwek kwek at balut.
Ito ay ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, ay dahil sa mga buhay na manok lamang namamahay ang Avian virus na tumama sa mga poultry farm sa San Luis, Pampanga.
Ayon kay Ubial, hindi nabubuhay sa dead meat ang naturang virus kaya wala dapat ikabahala ang publiko kung Avian flu sa mga street foods lamang ang pag-uusapan.
Gayunpaman ayon sa kalihim, hindi pa rin ligtas ang pagkain ng street foods dahil marami pa rin aniya ang sakit na kalakip nito lalo kung hindi maayos ang pagkakahanda ng mga ito.

Facebook Comments