Timbog ang isang street-level drug suspect matapos ang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng Agoo Municipal Police Station sa Barangay San Jose Sur, Agoo, La Union.
Ayon sa ulat, nahuli ang suspek matapos itong maaktuhang nag bebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer. Narekober mula sa kanyang pag-iingat ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga, marked buy-bust money, isang cellular phone, at isang tricycle na ginamit sa transaksyon.
Samantala, ang mga nakumpiskang ebidensya ay maayos na minarkahan, inimbentaryo, at kinuhanan ng larawan sa presensya ng mga kinakailangang saksi, alinsunod sa itinakda ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 o pagbebenta ng ilegal na droga sa ilalim ng nasabing batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










