Striktong Implimentasyon ng Enhanced Community Quarantine sa Lungsod ng Cauayan, Ipatutupad Ngayong Araw!

Cauayan City, Isabela- Magsisimula na ngayong araw, Marso 18, 2020 ang mahigpit na pagpapatupad sa Enhanced Community Quarantine sa Lungsod ng Cauayan.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, Atty. Reina Santos, Information Officer ng Lungsod ng Cauayan, pansamantala munang sususpindehin ang lahat ng uri ng public utility vehicles bilang bahagi ng Enhanced Community Quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease (COVID-19).

Kung hindi aniya ito susundin ng mga tsuper ay huhuliin ang mga ito at maaaring ma-impound ang ipinapasadang sasakyan.


Giit naman ni Atty. Santos na naiintindihan nila ang mga hinaing ng publiko sa ipanapatupad na Enhanced Community Quarantine subalit inaasahan aniya na may mga hakbang ang pamahalaan para sa mga maaapektuhan nito.

Dagdag dito, nilinaw rin ni Atty. Santos na wala munang ipatutupad na curfew hour sa Lungsod dahil una na aniyang malilimitahan ang mga tao dahil sa pinaiiral na Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments