Subic Port, mainam na isara pansamantala habang hindi pa nareresolba ang problema sa smuggling

Iminungkahi ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda ang pagsasara sa Subic Port.

Ito ay para magkaroon ng pagkakataon na linisin ang Subic Port laban sa katiwalian at smuggling.

Ang rekomendasyon ni Salceda ay kasunod ng magkakasunod na insidente ng pagsabat ng agricultural products sa Subic nito lamang Disyembre ng nakaraang taon.


Kapuna-puna para kay Salceda na masyadong malakas ang loob ng mga smuggler para gamitin ang Subic Port sa kanilang iligal na operasyon.

Diin pa ni Salceda, lumabas din sa kanilang mga imbestigasyon noong nakaraang taon ukol sa petroleum smuggling at agricultural smuggling na ang Subic ang pangunahing lugar kung saan isinasagawa ang smuggling sa bansa.

Facebook Comments