Manila, Philippines – Pinapatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department Education ang subject na trigonometry at calculus sa mga estudyante.
Paliwanag ng Pangulo – hindi kasi nagagamit sa pang araw-araw ng ordinaryong Pilipino ang naturang mga math subject.
Aminado rin ang Pangulo na nasusuka siya sa trigonometry at calculus lalo na’t hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pagsamahin ang mga numero at letra gaya halimbawa ng 1+2a+2b.
Hindi rin makita ng Pangulo ang logic sa algebra, sine, cosine at iba pa.
Naniniwala si Digong na dapat simpleng arithmetic na lamang ang ituro sa mga estudyante.
Facebook Comments