Subleader ng Abu Sayyaf Group, patay matapos manlaban habang inaaresto

Manila, Philippines – Patay ang isang Abu Sayyaf Group Subleader matapos manlaban habang inaaresto ng militar sa Sitangkay, Tawi-Tawi.

 

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na ang Abu Sayyaf subleader ay kinilalang si Butchoy Hassan alyas Black.

 

Bandang alas 8:35 kaninang umaga nang ikasa militar ang operasyon sa mismong bahay ng  bandido sa Barangay Panglima Alari, Sitangkai.

 

Nakuha sa pag-iingat nito ang isang m16 rifle, limang speedboats at iba pang outboard motors

 

Si Hassan, ay 48 taong gulang nasangkot sa pagdukot sa Taiwanese national Chang An Wei, alyas Evelyn Chan, sa Pompom Island Resort sa Sabah noong November 2013.

Facebook Comments