Subpoena para ilabas ang SALN ng magkapatid na Duque, hiniling sa Ombudsman

Manila, Philippines – Hinimok ang Office of the Ombudsman na maglabas ng subpoena para sa State of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at Personal Data Sheet (PDS) nina Health Secretary Francisco Duque III at kapatid nitong si Social Security Commission Chairperson, Atty. Gonzalo Duque.

Ito ay matapos maghain ng reklamo ang magulang ng 11 biktima ng Dengvaxia laban sa magkapatid para sa graft, breach of conduct at plunder kaugnay sa lease contract na pinasok ng pamilya Duque sa PhilHealth.

Nais malaman ng mga complainants kung nakadeklara sa SALN ng magkapatid na Duque kung mayroon silang Education and Medical Development Corporation (EMDC) at kung ang kanilang appointment bilang chairman at member of the board of directors ng PhilHealth ay nakalagay sa kani-kanilang PDS.


Nagkakahalaga ng ₱529,261.20 kada buwan ang halaga ng lease contract ng EMDC sa PhilHealth nitong 2018.

Ayon sa mga complainants na ang monthly lease ay labis at conflict sa posisyon ngayon ni Dr. Duque sa Department of Health (DOH).

Iginiit din nila na bigo si Duque na magbigay ng medical assistance sa mga biktima ng Dengvaxia.

Facebook Comments