Manila, Philippines – Pinabubuo ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano ang Philippine National Police (PNP) ng Implementing Rules and Regulations para sa bagong batas na nagbibigay ng subpoena power sa mga PNP officials. Paliwanag ni Alejano, ang IRR ay mahalaga dahil ito ang gagabay sa PNP sa pag-iisyu ng subpoena at ito rin ang magiging reference point para panagutin ang PNP official na aabuso sa subpoena power. Binatikos din ng kongresista ang pahayag ni PNP Chief Bato dela Rosa na hindi na kailangan ang IRR para sa Republic Act 10973 dahil gagamitin na lamang nila ang kanilang kunsiyensiya sa ilalim ng subpoena powers. Giit ni Alejano, hindi dapat ang ganitong statement sa isang mataas na pinuno ng PNP. Hindi rin aniya dapat na idinadaan lamang sa kunsensya ang pagsasakatuparan ng subpoena powers dahil maaari itong maabuso. Paalala ni Alejano kay Dela Rosa na ang layunin ng bagong batas ay palakasin ang PNP pero hindi ito lisensya para sa pag-abuso sa kapangyarihan.
SUBPOENA POWER | IRR, ipinalalatag sa PNP
Facebook Comments