Subsidiya ng LTFRB para sa mga pampasaherong jeep – aprubado na ng DBM at DOF

Manila, Philippines – Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) at ng Department of Finance (DOF) ang pagbibigay ng subsidiya sa mga pampasaherong jeep sa bansa.

Sabi ni LTFRB Spokesperson at Board Member Atty. Aileen Lizada – bahagi ito ng pagsusumikap ng ahensya na maialis ang mga bulok na PUV nang sa gayon ay mailayo rin sa peligro ang mga pasahero.

Kabilang sa makikinabang rito ang mga PUV operators na miyembro na ng mga kooperatiba sa kanilang mga lugar.


Mistulang ‘rent-to-own’ ang sistema ng programa kung saan lima hanggang pitong taon itong huhuluhan ng mga jeepney operator sa halagang 600 hanggang 800 piso kada araw.

Pagsapit ng taong 2019, inaasahang aabot sa 28-libong jeepney drivers at operators ang makikinabang sa modernization program ng LTFRB.

Facebook Comments