Substitution plea ni dating NYC Chairman Ronald Cardema sa Duterte Youth Party-list, kinatigan ng Comelec

Pinaboran ng Commission On Elections ang substitution plea ni dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema para humalili bilang first nominee ng Duterte Youth Partylist.

 

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, pinagbigyan ng Comelec En Banc ang substituion pero naghain ng dissenting vote o tumutol si Comelec Commissioner Rowena  Guanzon, habang nag-abstain naman o hindi bumoto si Commissioner Luie Guia.

 

Nauna dito ay kinuwestyon ang pag-substitute ni Cardema sa kanyang asawa bilang first nominee at pinuna rin ang edad nitong 32 para kumatawan sa sektor ng mga kabataan.


 

Magugunitang sinabi kamakailan ni Guanzon na sakaling hindi sila makapagpalabas ng desisyon bago sumapit ang June 30 o sa unang araw ng panunungkulan ng mga nanalo nuong nagdaang eleksyon ay posible  hindi kilakanin ng house speaker si Cardema Kapag wala itong pinanghahawakang certification mula sa Comelec.

Facebook Comments