SUGATAN | Isang manager, tinaga ng kaniyang empleyado sa Daraga, Albay

Albay – Sugatan ang isang manager ng ATV business matapos tagain ng kaniyang empleyado sa Barangay Busay, Daraga, Albay.

Nakilala ang biktima na si Efren Gerona habang ang suspek ay si Jaypee Villa.

Sa ulat, nag-iinuman ang dalawa kasama ang ibang katrabaho nila ng maungkat ang ginawang suspensiyon ng manager sa suspek.


Umalis saglit ang suspek saka kumuha ng itak kung saan pagbalik nito ay inundayan ang biktima na tinamaan sa kaliwang braso.

Agad na isinugod sa ospital ang biktma habang ang suspek ay kusang isinuko ng kaniyang ama maging ang ginamit nitong itak.

Facebook Comments