PAALALA | DepEd, muling ipinaalala ang deadline para sa Senior High School voucher program

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Education (Deped) na hanggang Biyernes, Abril 27 na lang ang pagpapasa sa aplikasyon sa voucher program para sa mga grade 10 students.

Ayon sa Deped, pwedeng makapag-apply sa voucher program sa pamamagitan ng pag-access sa private education assistance committee’s online voucher application program na nasa sa ovap.deped.gov.ph

Una nang binuksang muli ng Deped ang aplikasyon sa Senior High School voucher program noong Abril 2 para mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming grade 10 para makapag-aral sa mga pribadong paaralan, state universities and colleges at mga technical at vocational schools.


Facebook Comments