SUGATAN | Lalaki, pinagsasaksak ng nakaaway na tanod sa Pasay

Pasay City – Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng nakaalitang tanod sa Pasay City.

Nakikipag-inuman lamang ang biktimang si Michael Cortez sa kanyang mga kaibigan nang makaalitan ang grupo ng suspek na si Rodolfo Villafuerte.

Umuwi sa kanilang bahay ang suspek matapos mabugbog para kumuha ng kutsilyo.


Binalikan ni Villafuerte si Cortez saka inundayan ng saksak.

Nagpapagaling na sa ospital ang biktima.

Facebook Comments