SUICIDE ATTACK | Pagpapasabog sa Kabul na ikinamatay ng 41 na tao, inako ng ISIS

Afghanistan – Inako ng teroristang grupong ISIS ang nangyaring suicide attack sa Cultural Center ng Kabul kung saan 41 katao ang namatay at 84 ang sugatan.

Sa ulat, nasa halos 100 tao ang nasa cultural center para pasinayaan ang anibersaryo ng pananakop ng soviet sa kanilang bansa nang makapasok ang isang bomber at pinasabog ang kanyang sarili.

Kabilang sa mga nasawi ay dalawang bata.


Kinordohan na ng mga awtoridad ang lugar at isinara ang kalsada papunta sa nasabing pinangyarihan ng pagsabog.

Kinondena na ni Afghan President Ashraf Ghani ang pag-atake.

Facebook Comments