Suicide bomber na responsable sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu, kumpirmadong Asian ayon sa Special Investigation Task Group

Kinumpirma ng Special Investigation Task Group (SITG) na Asian ang suicide bomber na responsable sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu nitong Agosto.

Pero ayon kay Police Lt. Col. Conrad Gutierrez, Spokesperson ng SITG, hindi pa nila matukoy kung ano ang nasyonalidad at edad ng dalawang babae dahil limitado lang ang ebidensiyang kanilang nakalap.

Samantala, lumabas din sa imbestigasyon na hindi kamag-anak ng mga nasawi ang nasa likod ng pagsabog sa simbahan noong January 2019.


Habang naniniwala naman si Philippine Army (PA) Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na ang isa sa mga nasawi ay asawa ni Norman Lasuca, kauna-unahang Filipino suicide bomber, habang ang isa ay posibleng asawa ni Abu Tallha na ISIS Liaison sa Abu Sayyaf group.

Facebook Comments