KC Concepcion, itinangging nagkabalikan na sila ni Piolo Pascual

Diretsahang itinanggi ng aktres na si KC Concepcion ang balitang nagkakamabutihan silang muli ng kaniyang ex-boyfriend na si Piolo Pascual.

Sa question and answer session sa Instagram ni KC, sinabi niyang single pa rin siya hanggang ngayon.

Una nang nagsimula ang hinalang nagkabalikan ang dalawa ng magbakasyon si KC sa isang health and wellness resort sa Batangas kung saan ilang buwan na ring nasa lalawigan si Piolo nang abutan ng lockdown noong Marso.


Matatandaang October 2010 nang kumpirmahin ni Piolo ang romantic relationship nila ng aktres pero makalipas ang isang taon ay naghiwalay rin ang dalawa.

Facebook Comments