Suicide bombings sa bansa, posibleng maulit pa, National Intelligence Coordinating Agency

Posibleng magkaroon pa ng mga susunod na suicide bombings sa Pilipinas.

Ito ay base sa monitoring ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ayon kay NICA Director General Alex Paul Monteaguldo, ang mga terorista ay nagre-recruit ng mga bata na may edad 10 hanggang 12 anyos.


Kaya iginiit ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na kailangang protektahan ang vulnerable sectors upang hindi sila ma-recruit ng mga terorista.

Kabilang na rito ang mga estudyanteng dumadalo sa Madrasah o Islamic Schools, Religious Leaders, OFW, Prisoner, at maging ang mga netizen.

Tinatalakay na rin sa Senado ang panukalang magbibigay ng kapangyarihan sa mga Law Enforcer na i-hold ang terror suspect sa loob ng 14 na araw upang mabigyan ng pangil ang Human  Security Act of 2007.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, maaaring isailalim sa kustodiya ang terror suspect sa loob ng 36 na oras kung walang pormal na reklamong isinampa laban dito.

Nais ni Dept. of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana na palawigin ito ng hanggang 60 araw.

Matatandaang nangyari ang unang suicide bombing incident sa basilan noong July 2018, na sinundan ng isang suicide bomb attack sa Jolo Cathedral noong Enero 2019, at nitong Hunyo ang pinakahuli sa Indanan, Sulu.

Facebook Comments