UPDATE | Lolo, pinatay muna bago sinunog ang bahay sa Valenzuela City

Valenzuela City – Ikinagulat ng Valenzuela City Police makaraang lumabas sa kanilang imbestigasyon na pinatay muna ang isang 75-anyos na lolo bago sinunog ang bahay nito sa Barangay Bignay.

Nabatid na nadiskubreng may mga saksak sa katawan at basag ang ulo ang bangkay ng biktima na si Sotero Lozada.

Nadiskubre ang krimen matapos isailalim sa awtopsiya sa bangkay ng lolo kung saan sinaksak ito habang basag ang ulo buhat sa pagpalo ng isang matigas na bagay.


Dahil dito, muling bumalik sa nasunog na bahay ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) para kumuha ng mga dagdag na ebidensya.

Facebook Comments