Umapela ang Department of Education sa publiko na itigil na ang pag-uugnay ng distance learning sa pagdami ng kaso ng nagpapakamatay na mga kabataan sa bansa.
Isinisisi kasi ang paggamit ng mga modules sa pag-aaral ng mga estudyante ang pagtaas ng kaso ng pagpapakamatay ng mga kabataan.
Giit ng DepEd, wala sa mga sinasabing insidente ng pagpapatiwakal ang napatunayang may kinalaman nga sa distance learning.
Kasabay nito, nagbabala ng kagawaran sa publiko laban sa mga grupo at indibidwal na ginagamit ang suicide reports para siraan ang mga ginagawang hakbang ng DepEd.
Magugunitang umani ng kaliwa’t kanang komento ang pagpapatupad ng distance learning dahil sa mabagal na internet connection sa bansa.
Facebook Comments