Sukang may halong synthetic acetic acid, patuloy na tinatangkilik ng publiko

Patuloy na tinatangkilik ng publiko ang pagbibili ng synthetic acetic acid na suka o sukang gawa sa kemikal na ibinebenta sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

 

Nabatid na mabibili ang nasabing suka sa halagang P10.00 hanggang P15.00 kada plastic kung saan ang iba sa mga ito nasa powder form pa na kailangan lang haluan ng tubig.

 

May mga nagbebenta din ng ibang klase ng suka tulad ng sukang sasa pero ang iba sa mga ito ay may halong toyo na mabibili din sa halagang P10.00 hanggang P20.00.


 

Kwento ng ilang mga tindera, hindi pa naman daw napapatunayan na delikado sa kalusugan ang sukang may halong synthetic acetic acid at hindi din umano sila pinagbabawalan na ibenta ito.

 

Nabatid pa na mas mura ang synthetic na suka kumpara sa natural na suka kaya’t tinatangkilik daw ito ng mga mamimimili.

Facebook Comments