Imbes na magpahinga o mag-out of town nitong nakalipas na long weekend, ginugol ni Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura ang kanyang panahon sa paghahatid serbisyo sa kanyang kinasasakupan partikular sa mga barangay na apektado ng baha bunsod ng mga nararanasang pag-ulan.
Pinangunahan ni Mayor Mastura ang relief operation kasama ang Sangguniang Bayan Members sa barangay Katamlangan at Barangay Kabuntalan kung saan nakatanggap ng initial aid mula sa local government unit ang mga residenteng apektado ng baha.
“Patuloy ang aming pag-monitor sa sitwasyon sa lahat ng apektadong barangay at sa tulong ng MDRRMC at SALAM team, naisasagawa ang assessment at immediate assistance”, ayon kay Mayor Mastura.
Nanawagan din ng pagkakaisa ang alkalde sa kabila ng kahirapan kasabay ang pagtitiyak na mas pinalalawak ng lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat ang mga pagsisikap at serbisyo nito upang maayudahan ang mga apektado ng baha.
Ang pagtaas ng tubig sa rio grande ang nagdudulot ng pagtaas din ng tubig-baha sa low-lying barangays sa bayan.
Nauna nang nagsagawa ng relief operations ang Sultan Kudarat sa iba pang barangay na naapektohan ng baha.
Sa kabila nito, wala namang nagsilikas na residente dahil tolerable pa naman ang sitwasyon.
3 sa 39 barangay ng bayan ang bahain, nasa tabing ilog kasi ang mga ito.
Sa 36 na munisipyo sa probinsya ng Maguindanao, mahigit 20 dito ang flood prone municipalities kasama ang Sultan Kudarat. (DAISY MANGOD-REMOGAT)
Sultan Kudarat LGU, patuloy ang paghahatid ng relief assistance sa mga binabahang residente nito!
Facebook Comments