SUMAILALIM SA PAGSASANAY NG MUSHROOM PRODUCTION, 25 NA MAGSASAKA MULA SA ALCALA

Nagsanay ang 25 magsasaka mula sa Maraburab, Alcala ng Mushroom Production na ginanap sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amullumg nitong ika-7 ng Oktubre.

Ginanap ang nasabing pagsasanay sa pangunguna ni Perlita P. Mabasa, Provincial Agriculturist ng Cagayan, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Layunin ng nasabing aktibidad at ng OPA na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga magsasaka para sa kanilang mga produkto at matulungan ang mga ito na magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan.

Samantala, nagkaroon rin ng pagsasanay sa Farm School sa Anquiray, Amulung ang 26 na magsasaka ng Sta. Barbara, Iguig para sa hydroponics at aquaponics systems o ang vegetable production.

Ang pagsasanay naman na ito ay tungkol sa pagtatanim ng mga gulay na pechay, lettuce, kamatis, kangkong at pipino gamit ang kaunting lupa.

Facebook Comments