2 miyembro ng CTG, sumuko sa militar

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga sumusukong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).

Ito ay kasunod na rin ng boluntaryong pagsuko ng dalawang miyembro nito sa 93rd Civil Military Operations sa lalawigan ng Sorsogon, kahapon.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Abel at Randy, na bitbit ang kanilang mga armas sa pagsuko sa mga sundalo.


Samantala, kinumpirma naman ni Lt. Col. Allan Mangaser, Battalion Commander ng 9th CMO Battalion, na ang nasabing mga indibidwal ang nasa likod ng mga operasyon sa Magallanes, Sorsogon, Camarines Sur at Catanduanes.

Sinabi pa nito na ang boluntaryong pagsuko ng mga dating rebelde ay bunga na rin ng panghihikayat ng kanilang mga dating kasamahan na una ng nagbalik-loob sa pamahalaan at ang pagkamulat na mas tahimik ang buhay kapag tinalikuran ang armadong pakikibaka.

Ngayong taon lamang, umabot na sa 77 ang bilang ng mga sumusukong regular na miyembro ng CTG sa rehiyon.

Facebook Comments