SUMALPOK! | 7, sugatan matapos bumangga ang isang bus sa waiting shed ng MMDA sa EDSA-Buendia

Manila, Philippines – Sugatan ang pitong sakay ng isang pampasaherong bus matapos na bumangga sa waiting shed ng MMDA sa Northbound lane ng EDSA-Buendia.

Kabilang sa mga nasugatan ang konduktor ng bus na naipit nayuping unahang bahagi ng mayamy bus.

Agad siyang isinugod sa St. Luke’s Medical Center Global City habang nilapatan ng paunang lunas ng mga rumespondeng ambulansya ang mga nasugatang pasahero.


Ayon sa driver, nawalan siya ng preno kaya nabangga niya ang waiting shed.

Naialis naman na sa lugar ang mga nagkalat na debris kaya maluwag na ulit na madadaanan ang lahat ng lane ng EDSA.

Facebook Comments