Pormal nang binuksan ng Korte Suprema ang Summer Session nito sa Baguio City.
Kasunod ng flag raising ceremony kanina sa Supreme Court compound sa Baguio City, winelcome ang mga bagong mahistrado sa kanilang kauna-unahang pagdalo sa summer session ng hudikatura.
Kabilang dito sina Associate Justice Rosemari Carandang at Jose Reyes Jr.
Ito naman ang una at huling summer session bilang punong mahistrado ,na dadaluhan ni Chief Justice Lucas Bersamin dahil siya ay magreretiro na sa Oktubre.
Huling pagdalo rin ito ni Associate Justice Mariano del Castillo sa Supreme Court Summer Session dahil siya ay magreretiro na sa July 29 ng taong ito matapos ang sampung taong panunungkulan sa Korte Suprema.
Facebook Comments