Sundalo na kakauwi lang mula marawi, patay sa pamamaril sa pagadian city

Pagadian City – Patay ang isang sundalo na kakauwi lang mula sa marawi city matapos pagbabarilin sa lungsod ng Pagadian alas 12:15 kaninang madaling araw habang naglalaro ng billiard sa Brgy. Sta. Maria, Pagadian City.
Kinilala ang biktima na si CPL Ruphel Lihay-Lihay, 39 anyos, aktibong miyembro ng AFP Civic Military Operation ng 1st Infantry ‘’ Tabak” Division, Labangan, Zamboanga del Sur.
Wasak ang mukha ng biktima dahil sa dami ng tama ng bala sa ulo at katawan.
Nakuha ng SOCO Team mula sa Provincial Crime Laboratory ang 11 na basiyo ng bal ang Calibre 45 at 13 na basiyo ng bal ang 9mm.
Sa interview ng RMN kay Pfc. Francis Lihay-Lihay , wala silang nakikitang dahilan sa sinapit ng kanyang kapatid at umaasa na magbigyan ng hustiya ang kanyang pamilya.

Facebook Comments