𝗕𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗪𝗡𝗧𝗢𝗪𝗡 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗨𝗣𝗨𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜

Unti-unti nang pinupuntahan ng mga mamimili ang pagbabalik muli ng Baratilyo sa bahagi ng Downtown sa Dagupan City.

Ito ay bahagi ng kapistahan ng Bangus sa lungsod kung sabay din dito ang pagbubukas rin ng Foodstrip sa kalapit nitong kalsada.

Balik muli ang ilang nagtitinda ng mga abot kayang produkto tulad ng mga damit, sapatos, at iba pang abubot sa katawan.

Ayon sa nga maliliit na negosyanteng kumuha ng pwesto sa baratilyo, inaasahan nila ang dagsa ng mga mamimili sa araw ng Gilon Gilon lalo at dadaanan ng street dance parade ang buong Downtown.

Samantala, bandang alas sais ng gabi ang umpisa kung saan dagsa o ramdam ang mga mamimiling pumupunta sa baratilyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments