Pasado alas-4:00 ng hapon ng makatanggap ng tawag ang mga kasapi ng Gamu Police Station kung saan natagpuan ng kanyang mga kapitbahay ang wala nang buhay na katawan ni Staff Sgt. Limosen Fiyao, 52-anyos, miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa 5th Infantry Division at tubong Betwagan, Mountain Province.
Napag-alaman mula sa mga kaanak at kasamahan sa trabaho ng biktima na sumasailalim ito sa gamutan dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan na sakit sa puso.
Lumalabas pa sa imbestigasyon ng mga awtoridad, mag-isa lang sa kanyang tinutuluyang bahay ang biktima at minsan ng isinugod ng kanyang mga kapitbahay sa ospital matapos atakihin sa puso.
Kumbinsido naman ang mga awtoridad na walang foul play o anumang sugat sa katawan ang nakita sa biktima at posibleng indikasyon ito ng natural death dahil sa kanyang sakit sa puso.
Samantala,pumayag naman ang anak ng biktima na magsagawa ng autopsy at karagdagan pang imbestigasyon ang mga awtoridad para malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.
Kasalukuyang nakalagak ang labi nito sa isang punerarya sa nasabing bayan.