Sundalo patay – matapos barilin ng kapwa sundalo sa kanilang kampo sa Gamu, Isabela

Isabela – Patay ang isang sundalo makaraang barilin ng kapwa sundalo kahapon ng tanghali sa loob mismo ng Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Sergeant Ronald Oriero 34-anyos, may asawa at residente ng Minagbag, Quezon, Isabela, samantalang ang suspekay si Master Sergeant Romulo Sanglay, may asawa at residente ng Nassipping, Gattaran, Cagayan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng PNP Gamu na dati ng may alitan ang dalawa.


Kinumpronta ng suspek ang biktima nang lumabas ito ng kanilang headquarter.

Agad niya itong tinutukan ng baril at binaril ang biktima ng maraming beses na dahilan ng kaniyang kamatayan.

Nasa pag-iingat na ng PNP Gamu ang suspek.

Facebook Comments