Problemado ang Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil sa sunod-sunod na pag re-resign ng mga miyembro ng kanilang cyber security group.
Ito ay dahil daw sa malaking deperensya sa sweldo sa gobyerno, kumpara sa sweldong inaalok ng pribadong sektor.
Sa Malacañang Insider, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na pito na ang nag-resign sa kanilang cyber security group matapos piratahin ng pribadong sektor na nag alok ng doble o ‘di kaya’y triple pa sa sinasahod nila sa gobyerno.
Ayon sa kalihim, paano magiging epektibo ang kanilang ahensya sa pagtiyak ng cyber security kung hindi kayang panatilihin ang mga personnel dahil hindi competitive ang sahod.
Kaugnay nito, humihirit din ang DICT ng special fund na magagamit sa pagbibigay ng safe havens sa mga informants o pag procure ng karagdagang resouces upang madaling masugpo ang mga cyber criminals.