Sa sunod-sunod na reklamo ng Tricycle Drivers and Operators Association sa POSO Mangaldan ukol sa pamamasada ng mga kolorum na tricycle sa kanilang bayan, isang malawakang panghuhuli ng kolorum ang kanilang isinagawa upang agad itong ma-aksyunan.
Hindi pa man nangangalahating araw sa pagsasagawa ng operasyon panghuhuli sa mga kolorum sa bayan ay nakapagtala na agad ang POSO ng nasa higit animnapung mga tricycle na kolorum kanilang nahuli kung saan walang maipakitang dokumento o lisensya na magpapatunay na maaari silang pumasada.
Ang mga nahuling kolorum ay walang takas at agad na pinatawan ng parusang pagbabayad ng multa pati mga dayong tricycle na nahuling pumapasada, wala ring takas.
Hiling naman ng mga lehitimong pumapasada ng tricycle sa bayan, gawin na sanang regular o araw-araw ang panghuhuli ng mga kolorum sa kanilang bayan nang sa gayon ay hindi na muli pa silang ma-agrabyadong mga patas na naghahanap-buhay sa araw-araw.

Facebook Comments