‘TAPAT KO, LINIS KO’, ISINUSULONG NG LGU BAYAMBANG SA KANILANG PAMILIHANG BAYAN

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Bayamabang ang kanilang kampanya na mapanatili ang malinis na kapaligiran at maayos na lugar ng pamilihan sa kanilang bayan sa pamamagitan ng pagpaskil ng kanilang slogan na ‘Tapat ko, Linis ko’.
Ang mga tarpaulin na ito ay ipinaskil sa iba’t-ibang bahagi ng kanila mismong Pamilihang Bayan nang sa gayon ay mapaalalahanan ang mga nagtitinda at mga mamimili sa kalinisan at kaayusan sa loob ng kanilang pampublikong pamilihan.
Ang pagpapaskil na ito ng signages sa naturang pamilihan ay ayon sa P.D. No. 856 o Code on Sanitation in the Philippines.

Hinihikayat ang sino man ang mismong namamalakad sa negosyong nasa loob ng pamilihan na panatilihin ang kalinisan nang sa gayon ay mapabuti pa ang kanilang negosyo at kanilang mga pwesto at buo rin ang tiwala ng mga mamimili na malinis ang mga produktong kanilang nabibili sa loob ng pampublikong pamilihan.
Inaasahan naman na ang proyektong ito ay magkakaroon ng sense of responsibility sa mga nagmamay-ari ng mga stalls sa Bayambang Public Market. |ifmnews
Facebook Comments