Sunog kagabi sa San Juan, tatlo ang nasugatan

Manila, Philippines – Tatlo ang sugatan at umaabot samahigit sa isang milyong piso ang halaga ng natupok na ari- arian sa sunog nasumiklab sa kanto ng A Bonifacio Street at a Rita Street  sa Brgy. Kabayanan San Juan City.
  Nagtamo ng 2nd degree burn ang nagmamay-ari ng bahay nasi Marilyn Reyes,first degree burn naman si Edmundo Dimacoco habang nahihirapanhuminga si Ricardo Perez.
  Nagsimula ang sunog alas nuebe kwarenta y singko kagabisa ikatlong palapag ng bahay ni Marilyn Reyes na sinasabing  napabayaan umanong kalan sa kusina angpinagmulan ng sunog.
  Mabilis na kumalat ang sunog sa mga katabing kabahayandahil gawa ito sa mga light materials. Iniakyat agad  sa ikaapat na alarma ang suno pasado alasdiyes sais kagabi.
  Labin limang bahay ang nasunog at apektado ang nasatrentang pamilya.
  Nasa Brgy. Hall magpalipas sa magdamag ang lahat ng mgaapektado ng sunog kung saan nangako naman ang San Juan Govt. na tutulungan nilaang mga nasunugan.

Facebook Comments