Umabot sa pitumpung bahay ang natupok ng sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Sto. Niño, Parañaque nitong Sabado, kung saan mayroong 130 pamilya ang apektado.
Batay sa Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-10 ng gabi nang nagsimula ang sunog na umabot hanggang ika-limang alarma pagsapit ng alas-12 ng hating gabi, ay tuluyan tng na naapula bandang 5:30 kaninang umaga.
Ayon sa mga awtoridad at fire marshal ng Parañaque, barungbarong ang mga kabahayan kaya mabilis ang naging pagkalat ng apoy, at nahirapan ang mga ito sa pag-aapula dahil may kasikipan din ang lugar.
Nanlumo naman ang ilang residente sapagkat walang naisalbang kagamitan, kaya sila’y pansamantalang nanunuluyan sa kalapit na sports complex.
Ibinahagi ng BFP – Parañaque na mayroong apat ang nasugatan sa insidente, at kasalukuyan pa ring inaalam ang sanhi ng sunog at ang kabuuang pinsala.