Sunog naitala sa Mega Market ng Cotabato City

Labing tatlong stalls ang naabo sa nangyaring sunog pasado alas dose kanina sa Mega Market sa Cotabato City.
Sinasabing nagsimula ang sunog sa Stall #24 na pagmamay ari ni Mr. Abdul Gapor sa naging panayam ng DXMY kay FO2 Aldrin Narra , Spokesperson ng BFP Cotabato.
Inaalam pa ang tunay na dahilan ng sunog habang humigit sa 400k ang mga ari ariang naabo dagdag pa ni FO 2 Narra.
Ito na ang ikalawang insidente ng sunog na naitala sa syudad ngayong linggo. Una ay noong lunes sa Upper Vitara RH 10, pitong pamamahay din ang nasunog sa nasabing insidente.

Facebook Comments