Sunog naitala sa Parang Maguindanao, half million na mga ari-arian naabo

Tinatayang humigit kumulang kalahating milyong peso ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa nangyaring sunog sa Sitio Facuma Poblacion 2 Parang Maguindanao alas 3:45 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXMY kay Fire Senior Inspector Ronald Ampang , spokesperson ng BFP ARMM, syam na tahanan ang nasunog mula sa isang compound. Bagaman nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP, malaki aniya ang posibilidad na mula sa isang lumiyab na ceiling fan nag ugat ang sunog.

Samantala sa impormasyong ipinarating ni SINS Jemar Delo Santos sa DXMY tagapagsalita ng PNP ARMM, kabilang sa mga nasunugan sina N0RAISA KAPENTE, 35 Y/O; N0RHANA GRANDE, 29 Y/0; M0RFAN KAPENTE, 40 Y/O;ANWAR KAPENTE, 35 Y/0.;MAIM0NA KAPENTE, 45 Y/0, ;ALVANI MACAPEGES, 28 Y/O, ;N0RSAIDEN HAMZA, 29 Y/O.;MARIAM MALIWANAG, 30 Y/O ;at AMILIL TUMINDIG, 45 Y/O.


Wala namang may nasaktan sa pangyayari. Naitala ang fire incident sa kasagsagan ng buhos ng ulan.
FB PIC

Facebook Comments