Tinatayang aabot sa P300 milyon ang halaga ng natupok na mga kagamitan sa sunog na nangyari sa Central Post Office sa Maynila.
Nagsimula ito ng alas-11:41 ng gabi at saka itinaas sa general alarm ang sunog ng alas-5:54 ng umaga.
Inabot ng higit pitong oras ang sunog at bandang alas-7:24 ng umaga naman ng ideklarang fire under control ang sunog.
Halos buong palapag ng nasabing post office ay natupok ng apoy kung saan sa paunang imbestigasyon, nagsimula ito sa kwarto ng general services sa basement misko ng building.
Ayon kay BFP Manila Fire Marshall Sr. Supt. Cristine Doctor Cula, isang fire volunteer ang nasugatan sa insidente habang dalawa sa mga kasamahan nito ang nahirapan huminga dahil sa kapal ng usok pero nasa maayos na daw silang kalagayan.
Nabatid na taong 1926 ng itayo ang post office pero dahil sa world war II ay nasira ito at taong 1946 naman ng muli itong isaayos sa dating disenyo.