LALAKI SA BAUTISTA, ARESTADO MATAPOS MAHULI SA AKTO NA NAGNANAKAW NG TATLONG KAMBING

Nasa kustodiya ngayon ng kapulisan ng isang bente otso anyos na lalaki matapos itong mag huli sa akto na nagnanakaw ng tatlong kambing sa bayan ng Bautista.
Ang suspect ay nakilala si Raymond Espinosa sa residente ng San Carlos City.
Naganap ang incidente pasado alas onse ng umaga ng makita ang suspect na tinatangay ang tatlong kambing sakay ng kanyang tricycle sa Barangay Baluyot sa nasabing bayan ng Bautista.

Sinubukan pang tumakas ng suspect dala ang tatlong kambing subalit nahabol ito sa bahagi ng Barangay Nibaliw Sur sa nasabing bayan.
Narecover mula sa suspek ang tatlong kambing na nagkakahalaga ng suma total na 15,000 pesos kasama ang tricycle na ginamit nito.
Inihahanda na ngayon ang kasong pagnanakaw na isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments