Matapos ang sunog sa House Technology Industries building sa loob ng Cavite Export Processing Zone , pinasisiyasat ng Gabriela Partylist sa House Committee on Labor and Employment ang naturang insidente. Sa house resolution 747, binigyang diin ng Gabriela Partylist na mahalagang malaman kung sumunod sa occupational and health standards ang HTI. Ayon kay Rep. Emmi De Jesus, masyadong malaki ang workplace disaster na nangyari para ipagsawalang bahala ito ng kamara. Nababahala naman si Gabriela Rep. Arlene Brosas sa impormasyon na marami ang nasawi sa insidente at sa kawalan pa rin ng official count ng mga sugatang empleyado ng HTI. Iginiit pa ng mga mambabatas na papanagutin sa insidente ang may-ari ng HTI at maging ang mga opisyal ng economic zone.
Sunog Sa Factory Sa Cavite, Pinasisiyasat Sa Kamara
Facebook Comments