
Tumagal ng isang magdamag ang sunog tumupok sa maraming kabahayan sa Happyland sa Tondo, Maynila.
Halos 10 oras na inaapula ang sunog na nagsimula pasado alas-8 ng gabi kagabi.
Partikular na natupok ang Helping Compound building sa Barangay 105 sa Road 10 sa Tondo.
Umabot sa Task Force Bravo ang sunog pasado alas-10 kagabi bago maging kontrolado bago mag alas-3 ng madaling araw kanina.
Dahil sa sunog, nagkumpulan na lamang kanina sa gilid ng kalsada ang mga residente na naapektuhan ng sunog.
Itinalaga naman ang Barangay 105 Covered Court, Vicente Lim Elementary School, Barangay 101 Covered Court, at Antonio Villegas Elementary School bilang evacuation sites para sa mga naapektuhang residente.
Nakahanda naman ang lokal na pamahalaan ng Maynila na magbigay ng tulong pinansiyal gayundin ang mga pagkain at tubig sa mga apektado ng sunog.









