SUNOG SA NCCC MALL | BFP, inatasan na pangunahan ang imbestigasyon

Davao City – Pangungunahan ng head office ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang imbestigasyon na isasagawa hinggil sa sunog sa NCCC Mall sa Davao City kung saan tatlumpu’t walong katao ang nasawi.

Sa kaniyang pagharap sa media kanina, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na paraan na ito na maiwasan ang mga ispekulasyon at pangamba na posibleng magkaroon ng whitewash sa imbestigasyon kung ano nga ba talaga nangyari sa NCCC Mall fire at kung sinu-sino ang dapat managot, kung mayroon man sa trahedya.

Sabi pa ni Mayor Duterte, nagsasagawa na ng DNA testing para makilala ang mga labi ng isa pang biktima sa sunog.


Sa tatlumput-pitong mga bangkay na na-recover mula sa NCCC, 36 na ang nakikilala.

Facebook Comments